DOCUMENTARYO
TUNGKOL SA KAHIRAPAN
MAGPAHANGGANG NGAYON, pinagtatalunan pa ng mga
eskolar kung nararapat kilalanin o hindi si Rizal bilang ating pambansang
bayani. Sa ibang mga bansa, ayon sa mananalaysay na si Renato Constantino,
itinanghal na pambansang bayani ang mga naging lider ng kani-kanilang
rebolusyon gaya, halimbawa, ni George Washington ng Amerika, ni Lenin ng Rusya,
ni Ho Chi Minh ng Vietnam, ni Simon Bolivar ng Timog Amerika, at nina Sun
Yat-sen at Mao Tse-tung ng Tsina. Ngunit, sa ating bansa, ayon pa rin sa
kanya, “ang ating pambansang bayani ay hindi naging puno ng rebolusyon. Sa
katunayan, itinakwil niya ang rebolusyon. Walang pasubali niyang tinutulan
ang kilusan nina Bonifacio at ng mga Pilipinong nakibaka upang matamo ang pambansang
kalayaan.”
Maaalaala, nang hulihin si Rizal noong Hulyo
6, 1892 at ipatapon sa Dapitan dahil sa pagkakatatag niya ng La Liga Filipina,
at nang sadyain siya doon nang malaon ni Dr. Pio Valenzuela upang himuking
maging pandangal na tagapangulo ng Katipunan, mahigpit na tinanggihan ni Rizal
ang alok na iyon.Hindi ba sang-ayon si Rizal na kailangang makamit ang
pambansang kalayaan sa pamamagitan ng himagsikan? O naniniwala kaya siya
na hindi pa handa noon ang sambayanan?
Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema
ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng
bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi
nga nila, “Katamaran ay kakahirapantumbas ng Kahirapan”, tama sila, at tama rin
naman ang mga taong nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali. Sinasabi ng
karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero
ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino.
Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa
isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho
at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito,
pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. Pangalawa
sa mga dahilan ay ang maling gawain ng mga pinuno ng ating bansa, ang
pagbubulsa sa kaban ng bayan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng
mga mahihirap ay ginagamit ng mga pulitiko para sa sarili nilang interes. Sapat
ang sweldo ng mga pinuno ng ating bansa, ang totoo ay sobra-sobra pa ito para
bumuhay ng isang pamilya, pero patuloy pa rin sila sa maling gawain nila.
Kamakailan lang ay sinabi na umaangat na ang ekonomiya ng ating bansa, pero
wala kahit isa ang nakaramdam nito. Kailangan pa ring pumila ng matagal para
lang makabili ng NFA Rice, mataas pa rin singil sa gasolina, sa kuryente at
halos sa lahat ng bilihin, hindi kasya ang sweldo ng isang empleyado lamang.
Dahil sa maling gawain ng mga pulitiko, mga simpleng mamamayan ang
naaapektuhan, dahil mas pinipili nilang ibulsa ang malaking pondong
pangkahirapan kaysa idagdag sa sweldo ng mga empleyado, isang malaking kamalian
sa parte ng mga pinuno. Pangatlo sa mga kadahilanan ay ang pagiging
iresponsable ng mga Pilipino, o ang kawalan ng paninindigan. Kung magiging
responsible lamang ang mga magulang ng mga batang kalye ay malamang walang
pakalat-kalat na bata ngayon sa lansangan, walang uhuging bata na nanghihingi
na limos, at walang kaawa-awang mga mukha ng mga gutom na bata ang makikita
natin. Kung pinagaaral lamang sila ng kanilang magulang, malamang ay
magkakaroon sila ng magandang kinabukasan. Bumabalik nanaman dito ang
kadahilanang wala silang trabaho, pero may mga programa ang ating pamahalaan,
maging ang local, para sa libreng pagaaral, pero mukhang hindi nauubusan ng
dahilan ang Pilipino kung bakit hindi sila nakaka-pagaral, at ibabalik nanaman
ang sisi sa gobyerno. Ang katotohanan ay, tayo mismo ang dahilan ng ating
paghihirap, tayong mga mamamayan ng bansa natin. Kung sisimulan natin ang
pagbabago sa sarili natin, malamang ay mababagao rin natin ang antas ng ating
pamumuhay, pinuno ka man o simpleng mamamayan ay dapat magbago para sa
ikauunlad nating lahat.
Inspirasyon ng
lahat Inspirasyon ng mga Pilipino si Jose Rizal. Walang Pilipinong hindi
iniidolo ang pagka-bayani ni Rizal. Dahil sa kanyang pagkamakabayan at
pagtatanggol sa bayan, na naging sandata ng mga rebolusyonaryo noon at naging
mitsa ng paglaya ng Pilipino. Makabayang Pilipino Hindi niya iniwan ang
Pilipinas at ito’y bumalik sa kanyang bansang sinilangan matapos ito
makapag-aral sa Europa. Ipinakita niya ang pagmamahal niya sa bayan sa
pagsasalarawan ng problema sa lipunan at ang pagkakahati ng estado sa buhay. Sa
kanyang paningin, walang mahirap o mayaman. Lahat ay pantay-pantay at purong
Pilipino, sa isip, sa salita at sa gawa. Si Rizal sa Modernong panahon Hindi na
nga ba maisabuhay ang mga katangian at kontribusyon ni Rizal? Ilan sa atin ay
hindi na matandaan ang naging papel ni Rizal sa kasaysayan ng bansa. Dahil sa
inuuna ang sariling kapakanan bago ang bayan, naging problema na ng mga guro sa
Filipino at Araling Panlipunan ang ganitong sitwasyon na hindi na maalala ng
kabataan si Jose Rizal. Pero ang iba nating kababayan ay patuloy na kinakampanya
at isinasabuhay ang katangian ni Rizal sa modernong panahon. Ang pagkamakabayan
at pagmamalaki sa sariling lahi ang naging alas ng ilang Pilipino upang
manatili sa puso’t diwa ng bawat isa ang ating pambansang bayani. Impluwensiya
ni Rizal sa ibang lahi Dahil na rin sa pangingibang-bansa ng ating mga
kababayan at ang pag-aaral ng kasaysayan ng mundo, alam na rin ng ibang lahi
ang buhay at pakikipagsapalaran ng ating bayani. May mga monumento at plaque si
Rizal sa ilang bansa katulad sa Hong Kong, Europe, United States at Singapore
na ipinagmamalaki ng mga Pilipino kapag nakikita nila ito. Mga aral ni Rizal:
Susi sa pagbabago Ang mga katangian at pangaral ni Rizal sa atin ay isang
inspirasyon sa ating lahat. Hindi lingid sa kaalaman ng iba na maaari nating
gamitin upang matamasa natin ang pagbabago ang kanyang kontribusyon sa bayan.
Kaunlaran ng bansa bago ang sariling kapakanan. Ating gunitain at alalahanin
ang papel ni Jose Rizal sa buhay ng mga Pilipino ngayong ika-150 na kaarawan
niya sa June 19. Ating ipagbunyi at ipagmalaki ang kanyang mga kontribusyon
niya sa ating kasaysayan at ang pagkamakabayan.
May
dalawang mukha ang Pilipinas bilang bansa. Ang isa ay ang bansang may mabilis na
paglago sa ekonomya, umaapaw na reserbang salapi at nakakapagpautang pa nga daw
sa iba, napakasigla ng pamumuhunan at kalakalan at pinagkakatiwalaan ng mga
dayuhang bangko at mamumuhunan. Nagtapos ang taong 2012 na ganito ang halos
araw-araw na pahayag ng mga tagapagsalita ng gubyernong Aquino. Gumagana ang mga
demokratikong institusyon ng gubyerno at napahupa ang kaguluhang pampulitika
kumpara sa nakaraang administrasyong Arroyo. Ito raw ang mga palatandaan na
nagbunga na ang mga programa ng gubyernong Aquino at tinatamasa na ng bayan ang
resulta ng mabuting pamamahala ng kasalukuyang administrasyon.
One big criticism about this is that its too long...
ReplyDeleteHowever significant a lesson is, if its not studied...it nothing...
In terms of the good points of this post is that provides perspectives regarding relevant issues that some tend to ignore...
Marka: Tatlo na Tala (★★★☆☆)
I think the biggest criticism about this is the design and the font of the website
ReplyDelete