Saturday, April 18, 2015


Kwentong Jeepney

note: These stories were all my experiences. I used to hate na mag-commute but I learned to love it, everytime na sasakay ka ng jeep ibat-ibang kwento yung mae-encounter mo. Maging observant lang tayo and just enjoy the ride.

-Pauwi na ko from school then may sumakay na mag-nanay, si nanay highblood sa anak niya yung anak naman niya iyak ng iyak. Sabi ng nanay "anong iniiyak mo yung grade mo na bagsak o dahil break na kayo ng boyfriend mo sabi ko kasi sayo mag-aral ka lang hindi mag-lande ikaw eh umekstra-curricular activity ka pa napala mo."(si mother hindi man lang maka-hintay na makauwi bago sermunan yung anak niya)

-Yung pag-sakay ko  umandar agad yung jeep tapos naiwan yung sapatos ko sa kalsada. Sabi ko kuya wait bababa ako, pag-akyat ko deadma lang ako kunwari walang nangyari.(pero sa totoo lang hiyang-hiya na ko pero kelangan ko pangatawanan yung kahihiyan ko hahaha)

-May nakasakay rin akong dalawang kolehiyala (kalalakas ng boses kala nabili yung buong jeep) nagtatalo sila kung nasaan yung Trinoma. Sabi ng isang girl "di ba katabi lang ng Greenbelt yun" sabi naman ng pangalawa "hindi ah, nasa may The Fort kaya yun."(seriously kelan pa naging katabi ng Greenbelt or napunta sa Global city ang Trinoma)

-May nakasakay rin ako, akala mo  si ate may photoshoot ng isang shampoo commercial, hindi man lang itali or hawakan yung buhok niya para hindi makaperwisyo.(sarap sabihan teh hindi ako kumakain ng buhok)

-Yung bababa na ko ng jeep tapos ang nasabi ko manong ba-bye na po instead na manong para po. (feeling close kay kuya)

-May nakasakay rin ako na isang couple both of them looked conservative (si ate kuntodo longsleeves pa at mahabang palda) hindi nagtagal pagtingin ko sa kanila si ate halos kumandong na kay kuya (sana kumandong na lang talaga siya nakatipid pa sila) I thought yun na yung worst hindi pa pala, pagkatingin ko ulit sa kanila yung kamay ni ate na sa crotch area na ni kuya. (I was really shocked gusto ko ng sumigaw mga imoral jeep ito jeep hindi motel)

-May nakasakay rin ako na isang pogi he's fom HSI base sa kanyang uniform. I kept on looking on his ID but in a subtle way lang and trying my very best na mabasa yung name niya despite ng pagsusway-sway ng ID niya. And finally huminto yung jeep but to my disappointment bumaliktad yund ID lalong hindi ko nakita.( naalala ko yung line ng fave song ko ng beatles "for if I ever saw you I didn't catch your name but it never really mattered" No for me it mattered)

-Ito yung pinaka-worst na naranasan ko. Malapit na ko sa school ng ma-realized ko na hindi pa ko nagbabayad then it dawned on me na naiwan ko yung wallet ko. Hindi ko na alam gagawin ko naisip ko na mag one-two-three pero natakot ako, ginawa ko humanap ako ng pwede makatulong saken sabi ko sa katabi ko kuya pautang naman babalik ko na lang pag nagkita ulit tayo promise!(with matching taas pa ng kanang kamay) 


P.S.

hahaha I know na walang kwenta, I just wanted to share my stories.

8 comments:

  1. You know what this is one of the reasons why you're my friends(and by 'friend' I meant real ones) :) Can I compare mine? Andami ko ring jeepney storied eh yung tipong kinikilig si Bianca pag kinukwento ko hahaha ibebase ko lang jan sa mga ibinigay mo, kung may kaparehas na experiences sa akin (sorry, ganito tlga ako magcomment, mahaba xD di kasi masyadong madaldal sa bahay)

    -Natawa lang ako ng bongga sa unang story xD kawawa nman hndi muna pinauwe xD

    -Kinuwento mo samin yang shoe trouble mo na yan eh hahaha si Bianca grabe tawa parang walang bukas

    -No comment ako dito, medyo 'eng eng' din ako sa places eh

    -I feel you! Ilang beses ako nasampal ng buhok ng katabi ko, and it's seriously hard to keep a straight face. Tas may tatawa pang naka witness. E di wow!

    -hahaha that's unique!! I like 'ba-bye na po', hope it trends ;)

    -hahahah i love your humor seriously! Ay true, sana nga naman kumandong na lang no? XD well, ako naman I've unfortunately witnessed the worst kissing scene on a jeepney live -_-

    -hahaha change the lyrics of that beatle song then ;) RIP na lang sa mga jeepney moments ko with attractive guys xD

    -hahaha you're lucky the person handed you some money :)) Next time wag na kalimutan ha? Haha


    P.s. -No, i love your posts. Keep sharing!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for your comment kahit walang sense yung gawa ko hahaha.. masarap din kasi pag-usapan yung mga walang kwentang bagay but I don't believe that there's such a thing, coz all things were created for a purpose kahit yung alikabok nga may silbi.. pero hindi ko pa alam yung purpose nya, I'll find out.. Those things na tingin natin walang kwenta madalas na pinapatawa tayo..
      Miss you guys!! lalo na yung chikahan moments natin kapag wala tayong ginagawa.. Ay kahit pala busy at super cramming tayo gumawa ng requirements nakakapag-chismisan pa rin tayo yun nga pala yung talent natin.. multitasking at meron pa pala procrastination.. pero samin lang yun eh Hindi ka ganon ka-talented hahaha.. masyadong malayo yung mga sinabi ko sa totoong topic.. nashare ko lang hayaan no na..

      Delete
    2. Yung totoo anong timezone ba ang gamit dito???

      Delete
    3. Ahahaha miss ko na rin kayo! Di bale, sasanayin ko na sarili ko magmajoring sa procrastination haha. Nagpoprocrastinate din nman ako eh, di lang halata xD

      True.. well, para sakin the smallest things are the most interesting haha

      Delete
  2. hahaha, this is really a fun and funny post...really nice...made me think of my jeepney moments...but anyways, cool commentary on the happenings in a jeepney ride...and your last point, goodness...that takes guts...seriously, i respect you more because of that because on a similar situation back in HS, nag 1-2-3 kame at hinabol kame ng driver...hahaha, fun times...at na-mention mo ung PDA sa jeepney, epic nga naman yun...but I don't know, subjectively, jeepneys can be one of the romantic rides ever...hahaha, anyways, again...so fun reading this...keep it up...

    ReplyDelete
  3. Yeah it took a lot of guts bago ko nagawa yun, nilunok ko yung lahat ng hiya na meron ako..really desperate times call for desperate measures.. Subjectively rin, couples can show their love and affection to each other even in the public place or PUV, wala naman tayong magagawa dun eh, but PLEASE!!.. Be mindful sa mga nakakakita kasi minsan SPG na eh.. Kelangan na ng censorship.. hahaha!!

    ReplyDelete
  4. HAHAHA...siguro nga...dapat mindful dun...pero sometimes, true love does not need censorship...hahahah, i think...it uncensored love that creates life actually...haha...

    ReplyDelete
  5. Yeah I agree that uncensored love creates life, but at least do it on a right place.. wag sa kung saan-saan lang dahil hindi sila pusa tao sila..

    ReplyDelete