Tuesday, March 17, 2015

Documentaryo Tungkol sa Kahirapan (Raymond dedace, Lee ann anding, Jestoni recilla, chinnie salgado, Jm)

DOCUMENTARYO TUNGKOL SA KAHIRAPAN

MAGPAHANGGANG NGAYON, pinagtatalunan pa ng mga eskolar kung nararapat kilalanin o hindi si Rizal bilang ating pambansang bayani. Sa ibang mga bansa, ayon sa mananalaysay na si Renato Constantino, itinanghal na pambansang bayani ang mga naging lider ng kani-kanilang rebolusyon gaya, halimbawa, ni George Washington ng Amerika, ni Lenin ng Rusya, ni Ho Chi Minh ng Vietnam, ni Simon Bolivar ng Timog Amerika, at nina Sun Yat-sen at Mao Tse-tung ng Tsina. Ngunit, sa ating bansa, ayon pa rin sa kanya, “ang ating pambansang bayani ay hindi naging puno ng rebolusyon. Sa katunayan, itinakwil niya ang rebolusyon. Walang pasubali niyang tinutulan ang kilusan nina Bonifacio at ng mga Pilipinong nakibaka upang matamo ang pambansang kalayaan.”
Maaalaala, nang hulihin si Rizal noong Hulyo 6, 1892 at ipatapon sa Dapitan dahil sa pagkakatatag niya ng La Liga Filipina, at nang sadyain siya doon nang malaon ni Dr. Pio Valenzuela upang himuking maging pandangal na tagapangulo ng Katipunan, mahigpit na tinanggihan ni Rizal ang alok na iyon.Hindi ba sang-ayon si Rizal na kailangang makamit ang pambansang kalayaan sa pamamagitan ng himagsikan? O naniniwala kaya siya na hindi pa handa noon ang sambayanan?

Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay kakahirapantumbas ng Kahirapan”, tama sila, at tama rin naman ang mga taong nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. Pangalawa sa mga dahilan ay ang maling gawain ng mga pinuno ng ating bansa, ang pagbubulsa sa kaban ng bayan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng mga pulitiko para sa sarili nilang interes. Sapat ang sweldo ng mga pinuno ng ating bansa, ang totoo ay sobra-sobra pa ito para bumuhay ng isang pamilya, pero patuloy pa rin sila sa maling gawain nila. Kamakailan lang ay sinabi na umaangat na ang ekonomiya ng ating bansa, pero wala kahit isa ang nakaramdam nito. Kailangan pa ring pumila ng matagal para lang makabili ng NFA Rice, mataas pa rin singil sa gasolina, sa kuryente at halos sa lahat ng bilihin, hindi kasya ang sweldo ng isang empleyado lamang. Dahil sa maling gawain ng mga pulitiko, mga simpleng mamamayan ang naaapektuhan, dahil mas pinipili nilang ibulsa ang malaking pondong pangkahirapan kaysa idagdag sa sweldo ng mga empleyado, isang malaking kamalian sa parte ng mga pinuno. Pangatlo sa mga kadahilanan ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino, o ang kawalan ng paninindigan. Kung magiging responsible lamang ang mga magulang ng mga batang kalye ay malamang walang pakalat-kalat na bata ngayon sa lansangan, walang uhuging bata na nanghihingi na limos, at walang kaawa-awang mga mukha ng mga gutom na bata ang makikita natin. Kung pinagaaral lamang sila ng kanilang magulang, malamang ay magkakaroon sila ng magandang kinabukasan. Bumabalik nanaman dito ang kadahilanang wala silang trabaho, pero may mga programa ang ating pamahalaan, maging ang local, para sa libreng pagaaral, pero mukhang hindi nauubusan ng dahilan ang Pilipino kung bakit hindi sila nakaka-pagaral, at ibabalik nanaman ang sisi sa gobyerno. Ang katotohanan ay, tayo mismo ang dahilan ng ating paghihirap, tayong mga mamamayan ng bansa natin. Kung sisimulan natin ang pagbabago sa sarili natin, malamang ay mababagao rin natin ang antas ng ating pamumuhay, pinuno ka man o simpleng mamamayan ay dapat magbago para sa ikauunlad nating lahat.

Inspirasyon ng lahat Inspirasyon ng mga Pilipino si Jose Rizal. Walang Pilipinong hindi iniidolo ang pagka-bayani ni Rizal. Dahil sa kanyang pagkamakabayan at pagtatanggol sa bayan, na naging sandata ng mga rebolusyonaryo noon at naging mitsa ng paglaya ng Pilipino. Makabayang Pilipino Hindi niya iniwan ang Pilipinas at ito’y bumalik sa kanyang bansang sinilangan matapos ito makapag-aral sa Europa. Ipinakita niya ang pagmamahal niya sa bayan sa pagsasalarawan ng problema sa lipunan at ang pagkakahati ng estado sa buhay. Sa kanyang paningin, walang mahirap o mayaman. Lahat ay pantay-pantay at purong Pilipino, sa isip, sa salita at sa gawa. Si Rizal sa Modernong panahon Hindi na nga ba maisabuhay ang mga katangian at kontribusyon ni Rizal? Ilan sa atin ay hindi na matandaan ang naging papel ni Rizal sa kasaysayan ng bansa. Dahil sa inuuna ang sariling kapakanan bago ang bayan, naging problema na ng mga guro sa Filipino at Araling Panlipunan ang ganitong sitwasyon na hindi na maalala ng kabataan si Jose Rizal. Pero ang iba nating kababayan ay patuloy na kinakampanya at isinasabuhay ang katangian ni Rizal sa modernong panahon. Ang pagkamakabayan at pagmamalaki sa sariling lahi ang naging alas ng ilang Pilipino upang manatili sa puso’t diwa ng bawat isa ang ating pambansang bayani. Impluwensiya ni Rizal sa ibang lahi Dahil na rin sa pangingibang-bansa ng ating mga kababayan at ang pag-aaral ng kasaysayan ng mundo, alam na rin ng ibang lahi ang buhay at pakikipagsapalaran ng ating bayani. May mga monumento at plaque si Rizal sa ilang bansa katulad sa Hong Kong, Europe, United States at Singapore na ipinagmamalaki ng mga Pilipino kapag nakikita nila ito. Mga aral ni Rizal: Susi sa pagbabago Ang mga katangian at pangaral ni Rizal sa atin ay isang inspirasyon sa ating lahat. Hindi lingid sa kaalaman ng iba na maaari nating gamitin upang matamasa natin ang pagbabago ang kanyang kontribusyon sa bayan. Kaunlaran ng bansa bago ang sariling kapakanan. Ating gunitain at alalahanin ang papel ni Jose Rizal sa buhay ng mga Pilipino ngayong ika-150 na kaarawan niya sa June 19. Ating ipagbunyi at ipagmalaki ang kanyang mga kontribusyon niya sa ating kasaysayan at ang pagkamakabayan.

May dalawang mukha ang Pilipinas bilang bansa. Ang isa ay ang bansang may mabilis na paglago sa ekonomya, umaapaw na reserbang salapi at nakakapagpautang pa nga daw sa iba, napakasigla ng pamumuhunan at kalakalan at pinagkakatiwalaan ng mga dayuhang bangko at mamumuhunan. Nagtapos ang taong 2012 na ganito ang halos araw-araw na pahayag ng mga tagapagsalita ng gubyernong Aquino. Gumagana ang mga demokratikong institusyon ng gubyerno at napahupa ang kaguluhang pampulitika kumpara sa nakaraang administrasyong Arroyo. Ito raw ang mga palatandaan na nagbunga na ang mga programa ng gubyernong Aquino at tinatamasa na ng bayan ang resulta ng mabuting pamamahala ng kasalukuyang administrasyon.





2 comments:

  1. One big criticism about this is that its too long...
    However significant a lesson is, if its not studied...it nothing...
    In terms of the good points of this post is that provides perspectives regarding relevant issues that some tend to ignore...

    Marka: Tatlo na Tala (★★★☆☆)

    ReplyDelete
  2. I think the biggest criticism about this is the design and the font of the website

    ReplyDelete